Mga Pahina

Nadine at Niña, abswelto sa hiwalayan nina JC at Danita

Kahapon sa presscon ng Valiente ay natanong si JC de Vera tungkol sa paghihiwalay nila ni Danita Paner.
Nilinaw ni JC na walang katotohanan ang mga tsikang may third party sa kanilang paghihiwalay.
Wala raw siyang ibang babae at iba raw ang dahilan ng kanilang hiwalayan.
Sabi pa ni JC, kahit hiwalay na sila ni Danita, kapag nagkikita sila ay nagbabatian sila. Ang wala lang daw sa kanilang dalawa sa ngayon ay ‘yung madalas na biruan nila noong may relasyon pa sila.
Sinabi rin ni JC na hindi niya tuluyang inaalis ang posibilidad na magkabalikan sila ni Danita.
Dahil sinabi ni JC na walang third party involved sa paghihiwalay nila ni Danita ay abswelto na sina Nadine Samonte at Niña Jose sa isyu ng paghihiwalay ng dalawa.
May iba kasing nagdududa na baka si Nadine o si Niña na mga kapareha niya sa Valiente ang dahilan ng pakikipaghiwalay ni JC kay Danita.
Sabi ni JC, unfair para kina Nadine at Niña na masali sila sa isyu ng hiwalayan nila ni Danita.
Kapwa may kani-kanyang karelasyong non-showbiz ang dalawang young actress.

No comments:

Post a Comment