SA MISMONG bibig ng isa sa bida ng Valiente na mapapanood na sa Feb. 13 sa TV5 na si Oyo Boy Sotto nanggaling na hindi raw pinagselosan ng kanyang maybahay na si Kristine Hermosa si Nadine Samonte na naging ex-GF nito.
Kuwento pa ni Oyo, isa si Nadine sa pinaglihihan ni Kristine na nanonood noon ng The Sisters na pinagbidahan ni Nadine sa TV5. Gandang-ganda raw ang maybahay ni Oyo kay Nadinpinoyparazzi ni John Fontanillae kaya naman daw nang sabihin ni Oyo rito na makakasama niya ang kanyang ex-GF sa show, aprubado kay Kristine at walang naging problema.
Ibinida pa ni Oyo na ang daddy niyang si Vic Sotto ang dating kumanta ng theme song ng Valiente at siya ring kakanta ng theme song sa remake ng Valiente. Bukod kay Nadine ma-kakasama din sa powerful cast ng Valiente sina Ms. Jaclyn Jose, Ms. Gina Alajar, Michael De Mesa, Mark Gil, Czarina Suzara, Arvic Tan, Liane Valentino, Ross Pesigan , John Regala, Toni Mabesa, Jim Pebanco at sina NiƱa Jose at JC De Vera , mula sa panulat ni Phil Noble at sa Direksiyon ng Ace Director na si Joel Lamangan.
No comments:
Post a Comment