Mga Pahina

Nadine has expose' on Marian

by Nitz Miralles/Philstar


“Masaya” at”sobrang light” ang sagot ni Nadine Samonte sa tanong kung how is it working with TV5. Happy network daw ang bago niyang home station, kaya kahit mahirap ang mga eksena niya sa The Sisters, hindi siya masyadong nabibigatan.

Hindi nabasa ni Nadine ang komiks at movie version ng The Sisters kaya sarili niyang atake ng acting ang napapanood. Minsan daw, nalilito na siya lalo kung sunud-sunod ang mga eksena na nagpapalit siya ng karakter nina Cristina at Bella.

“Si Bella laging pakabig at mahina, childish, maborloloy sa pananamit at may hika siya. Si Cristina, mapagbigay malakas, finesse, iba ang kilos at steady lang siya. Kailangan ibahin ko ang portrayal sa kanila para makita ang pagkakaiba,” sabi nito.

Sina Leandro Muñoz, James Blanco at Wendell Ramos ang leading men ni Nadine sa The Sisters. Nakatrabaho na niya sina James at Wendell, si Leandro ay ngayon pa lang at sa kanilang pag-uusap, nalaman nilang pareho silang mag-isip.

Napag-usapan ang isyu nina Marian Rivera at Bela Padilla, sabi ni Nadine, not true na ni-lock ni Marian si Bela dahil walang lock ang restroom. Hala!

Samantala, sa The Sisters mamaya, magugulat si Rafael (Leandro) sa request ni Cristina na ibigin si Bella. Mananaginip si Rafael ng taong nagsu-suicide. Bibisitahin si Dr. Morgan (Wendell) ng ama at pauuwiin sa bahay nila. Ikukuwento ni Doring kay Soledad (Lotlot de Leon) ang presang kilalang si Mariposa.

No comments:

Post a Comment