Mga Pahina

CIRCUIT MAGAZINE MARCH 2012 ISSUE

CIRCUIT MAGAZINE MARCH 2012 ISSUE
NADINE SAMONTE on Cover

Nadine wants to get married

Published : Friday, February 03, 2012 00:00          
Written by : Vinia Vivar

Kung si Nadine Samonte ang tatanungin, at this point, aminado siyang gusto na niyang magpakasal. She’s turning 24 sa March at marami nga raw ang nagsasabi sa kanyang bata pa ang ganu’ng age para mag-asawa. Pero katwiran niya, makapamilya raw siya talaga at gusto niya talaga na maagang magkaroon ng anak. Kaso, nanghihinayang naman daw siya sa kanyang career at sa mga opportunity na nagdaratingan. Siyempre, iba na nga naman once na nag-asawa na siya. “Gusto ko talaga, gusto ko na,” say niya about getting married nang makatsikahan namin siya sa set ng Valiente, her new teleserye sa TV5. “Ang problema kasi, ’yung projects, eh. ’Yung mga opportunity, sayang, eh,” dugtong niya. Kinumpirma rin ni Nadine na nagkabalikan na sila ng non-showbiz boyfriend na si Emerson Chua. Last November or December pa raw sila nagkabalikan at mas maganda na raw ang relasyon nila ngayon. “Masasabi kong ’yung lahat ng problema, hindi na pinuproblema. Dati kasi, parang konting bagay, problema. Pero ngayon, parang ‘ay ganyan lang? Huwag na pansinin ’yan,’ parang ganu’n,” say niya. Napag-uusapan naman daw nila ni Emerson ang kasal, pero hindi pa ’yung talagang seryoso at hindi pa rin naman daw ito nagpo-propose sa kanya. So, proposal na lang ba ang hinihintay niya? “Hindi ko alam kung naghihintay ba ako ng proposal or kung talagang ready na ba ako, hindi ko alam, eh,” say niya. Pero kung sakali, mahihirapan namang magpakasal si Nadine this year since heto nga’t magsisimula pa lang ang Valiente sa Feb. 13. Siya ang leading lady ni JC de Vera habang si Oyo Sotto naman ay gaganap na nakatatanda niyang kuya.



Nadine Samonte says relationship with Emerson Chua is "more mature;" she also wants to marry at a young age

Joyce Jimenez
Wednesday, February 1, 2012 03:28 PM
http://www.pep.ph/news/32822/Nadine-Samonte-says-relationship-with-Emerson-Chua-is-more-mature;-she-also-wants-to-marry-at-a-young-age
Sunud-sunod ang proyekto ni Nadine Samonte simula nang lumipat siya sa TV5.

Una na ang launching show niya na The Sisters, na sinundan ng Sa Ngalan Ng Ina, at ngayon nama'y ang remake ng '80s drama series na Valiente.Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Nadine noong Lunes, Enero 30, sa Hacienda Leviste sa Lipa, Batangas."Wala naman masyadong bago na as in kakaiba 'yong character," sagot ng 23-year-old na aktres nang tanungin namin kung ano ang aabangan ng mga tao sa bago niyang karakter."Normal character lang siya, mabait, kung anong tama, doon siya, hindi siya pala-awa effect.
"Siguro may mga dinagdag lang na masyado siyang iyakin, masyado lang siyang ganyan pagdating sa love, yung masyado siyang emotional."

HAPPY AND IN LOVE. Samantala, kapansin-pansin ang kakaibang ganda ni Nadine nang makapanayam namin siya noong gabing iyon.Isa sa mga naisip naming dahilan ay ang pagkakabalikan nila ng kanyang nobyong si Emerson Chua.Matatandaan na inamin ni Nadine sa PEP noong nakaraang taon na nagkahiwalay sila ni Emerson nang huling linggo ng Hulyo.Ani ni Nadine ang dahilan daw nito'y, "Siguro pareho naming... yung pagiging mature namin sa isa't isa."Kasi 17 pa lang ako... Nineteen siya, 17 ako."Six years rin kami. We've been together for six years."So, parang na-stuck up kami sa gano'n lang."Nagma-mature kami sa isa't isa, pero yung going out, parang... something like that."inamin naman ni Nadine na "in a relationship" na siyang muli sa kanyang businessman boyfriend. Matapos ang halos limang buwan nilang paghihiwalay, masasabi ni Nadine na mas "steady" na ang kanilang relasyon ngayon."Siguro masasabi kong mas... dati kasi mas okay kami, walang problema, lahat pinag-uusapan.
"Ngayon, parang... parang mas light na 'yong lahat ng bagay hindi na namin pinoproblema, lahat ng bagay steady lang, parang konting bagay hindi na pinag-aawayan."Bukod pa rito, mas nag-grow na raw sila bilang mga indibidwal, at mas nalaman na ang halaga ng isa't isa.
"Parehas kaming nag-separate talaga ng ways, pero parehas din kaming bumalik sa isa't isa.

"So, siguro pareho kaming kumuha ng ideas or pareho kaming nag-mature ng solo namin, na-realize namin kung ano 'yong mali sa relationship, 'yong... something like that."

SETTLING DOWN? Ilang relasyon ang matapos magkahiwalay at magkabalikang muli ay nauuwi na sa pagpapakasal.

Tingin ba ni Nadine ay doon din patungo ang relasyon nila ni Emerson?

"Actually gusto ko, gusto ko!" natatawang sagot ng aktres.

"Gusto ko kasi mag-asawa ng bata, gusto ko mag-anak siguro at 25-year-old, I'm 23 na, e.

"Gusto ko bata ako, e, alam mo 'yon, because of my mom, parang barkada lang kami ng mom ko.

"Pero siyempre, may mga kino-consider ako na sayang ang project, sayang ang opportunities.

"Kasi baka pag mawala 'yon, sayang lahat, ayaw ko naman mangyari pa 'yon."

Ang kagustuhan na ito ni Nadine na magpakasal sa batang edad ay kaiba sa kagustuhan ng iba na magpakasal sa edad na 27 pataas.

"Kasi masyado akong family-oriented, e," pahayag niya.

"Kasi lumaki na akong may responsibility na parang... hindi ko naman masabi na parang hinahanap ko 'yong responsibility.

"Pero 'yon ang napi-feel ko, 'yong motherly instinct, na parang gusto ko nakikita ko 'yong anak ko, hahatid-sundo ko siya, aalagaan ko siya, 'yong gano'n.

"Gusto ko hands-on mom ako. Kaya hindi ko rin alam sa sarili ko, kasi 'pag bumalik ako [sa showbiz], hindi ko masasabing full-time, parang per show na lang, per taping na lang, kung saan may project.

"Pero 'yong masasabi mong full-time, tingin ko hindi."